Bakit TechnoUser/Retailer ang magandang Sideline?
pwede din Technopreneur/Dealer kung gusto mo
Isa na sa mga pangunahing produkto ang prepaid load o e-load sa mga pangangailangan ng mga Pinoy sa pang-araw-araw na gawain. Isa na rin ang prepaid load sa mga produktong maaring ibenta sa maliit na kapital ay malaki ang maaring tubuin. Hindi naman alintana sa ating lahat na karamihan na ng mga Pinoy ay may cellphone at ang prepaid load ay siguradong nakalaan sa kanilang pang-araw-araw na budget. Ayon sa Wikipedia*, mayroong 79 million cellphone users sa buong Pilipinas. Kung ang isang porsyento nun ay magpapaload sa iyo ng tig-sampung piso magkano kikitain mo?
Anu-ano ba ang batayan ng isang produkto kung ito ay magiging mabenta?
- Mataas ba ang demand ng produkto?Ang produkto ba ay kinakailangan ng tao sa pang-araw-araw? Tulad na lang ng pagkain, kaya mo bang lumipas ang isang araw na hindi ka kumakain?Malaki ba ang demand ng prepaid load? Check mo cellphone mo, may nag-text!
- Malaki ba ang merkado (Market) ng produkto?Kahit anong saklaw ba o grupo ng tao ay bumibili nito? Di tulad ng isa sa pangunahing pangangailangan ng tao, ang DAMIT ay may pinipili pang klase ng mamimili. Di mo naman pwedeng ialok at ipagamit ang “BRA” sa mga lalaki diba? Di rin naman siguro magsusuot ng brief at ilang damit panlalaki ang mga babae.
- Mura ba o kakayanin ba ng lahat ang presyo ng produkto?Kung lalabas ka ng bahay at may dala kang sampung piso, ano bang klaseng pagkain ang mabibili mo? O tulad na lang ng tanong sa isang commercial ng icecream, anong mabibili mo sa bente pesos mo? Isang ice cream? Isang bote ng softdrinks at isang supot ng chicherya. Isang basong mainit na kape (hindi starbucks ha) at tinapay. Hindi ka naman siguro makakalayo sa bahay nyo sa halagang 20 pesos. Teka, makapagpaload na nga lang ng sampung piso para matext ko ang barkada ko para magpalibre!
- Madali lang ba ito bilhin at gamitin?Ang produkto ba ay madaling bilhin? Kailangan ka pa bang pumunta sa isang airconditioned mall para makuha ang bagay o produkto bago mabili ng tao? Madali lang ba itong gamitin? Alam ba ng lahat paano ito gamitin? Di ka ba nagugulat na minsan nagsasalita magisa sa sulok ang inyong kasambahay… sa kanyang cellphone? O kaya naman si manong driver nagpapahinga sa ilalim ng puno na nakangisi at binabasa ang text joke na pinadala ng kumpare nya. Ika nga ng nabanggit kanina, halos lahat ng Pinoy ay mayroon ng cellphone.
- Kapag naubos ba ito may bibili ba ulit?Anu-ano pa bang produkto sa loob ng inyong bahay na kapag naubos siguradong bibili ulit kayo? Bigas, asukal, itlog, panluto at iba pa. Siguradong may bibili at bibili pa ulit ng prepaid load, maski naka-unli pa siya, diba? Hindi mo na kailangang paghirapang ibenta ilako, sila na mismo ang lalapit sa iyo!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento